Bumaba na sa ikinokonsiderang ‘safe levels’ ang hospital bed occupancy rate para sa pasyente ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon sa Department Of Health o DOH, ang healthcare usage sa bansa ay bumaba sa 57% na itinuturing na safe level mula sa moderate risk na 64% noong nakaraang linggo.
Bukod dito, bumaba din sa 70.39 % ang occupancy rate ng Intensive Care Unit (ICU) beds mula sa moderate risk level na 73 porsyento noong nakaraang linggo.
Samantala, nananatili naman sa high risk ang hospital bed occupancy sa apat na rehiyon, partikular sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula at Bicol.—sa panulat ni Airiam Sancho