Halos sagad na umano ang kapasidad ng mga ospital sa Portugal.
Ayon sa Health Ministry, kakaunti na lamang ang mga bakante nilang hospital beds sa mga Intensive Care Units o ICUs na inilatag para sa mga kaso ng COVID-19.
Sinasabing umaabot na sa 16,000 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus sa Portugal habang halos 300 naman ang namamatay kada araw.