Umaabot sa mahigit P1-milyon ang bill ng ilang pasyenteng lubhang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y ayon kay Dr. Arturo Dela Peña, president at CEO ng St. Luke’s Medical Center.
Paliwanag ni Dela Peña, umaabot ng ganitong halaga ang hospital bill ng ilang COVID-19 patient dahil sa pananatili ng mga ito sa intensive care unit (ICU) ng mahigit sa isang linggo.
Aniya, maraming gastos ang mga may malalalang kaso ng COVID-19 at hindi naman umano maaari nilang babaan ang standard ng gamutan ng mga ito para lamang makamura.