Bubuksan na ang itinayong ospital eksklusibo para sa pagpapagaling ng mga may novel coronavirus sa China.
Tatawagin ang ospital na Houshenshan o Fire God Mountain na itinayo sa loob ng walong araw.
Mayroon itong 1,000 hospital beds para sa mga pasyenteng nagpositibo sa nCoV.
Nakuha ang idea sa ginawang ospital sa Beijing noong 2003 para naman sa mga tinamaan ng sakit na severe acute respiratory syndrome (SARS).
Samantala, umabot naman sa higit 300 ang naitalang nasawi dahil sa nCoV.