Hindi pa rin nababago ang hospital utilization rates para sa kaso ng COVID-19.
Ito’y sa kasunod ng pagtaas ng mga kaso sa gitna ng pagdiriwang ng hoiliday season.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ta-translate ang positivity rate ng metro manila sa pagtaas ng utilization sa mga naturang ospital.
Aniya, ibig sabihin hindi pa napupuno ang mga ospital sa Pilipinas.
Samantala, nakapagtala ang ilang ospital ng maraming pasyente na nagsasabing mayroong COVID-19 related symptoms.