Nilimitahan ng Department of Justice (DOJ) ang hospitalization privilege sa mga preso.
Inatasan ni Justice Secretary Leila de Lima ang Bureau of Corrections (BUCOR) na siyang direktang may kontrol sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City na hindi dapat pagbigyan ang isang inmate na mamili kung saang ospital gusto nitong magka-confine.
Sinabi ni de Lima na kung ang isang maysakit na inmate ay nangangailangan ng pagsusuri, medical treatment o confinement, dapat silang dalhin malapit sa government hospital.
Nagpalabas ng panibagong kautusan si de Lima makaraang mapaulat ang confinement sa convicted drug trafficker na si Yu Yuk Lai sa Metropolitan Hospital sa Binondo, Maynila na inabot na ng walong buwan bunsod umano ng pananakit ng ulo at iba pang physical ailments.
By Meann Tanbio