Malabong ganapin sa Pilipinas ang 2018 Miss Universe pageant gaya ng plano ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.
Ayon kay Tourism Secretary Romulo-Puyat, hindi sapat ang kanilang budget para mag-host muli ng nabanggit na beauty pageant.
Sa halip ay pagtutuunan nila ng pansin ang ibang mahalagang bagay at maaari namang idaos ang Miss Universe sa Pilipinas sa mga susunod na panahon subalit hindi ngayong taon.
Kung mag-alok naman anya ng tulong ang private sector ay ganito pa rin ang kanilang magiging pasya.