Idineploy na ng Philippine Red Cross ang “Hot meals on wheels” Food trucks bilang bahagi ng paghahanda nito sa typhoon Betty.
Sa kasalukuyan, mayroong 35 food trucks sa buong bansa ang PRC na nakahandang ideploy sa panahon ng krisis.
Tiniyak naman ni PRC chairman at Chief Executive officer Richard Gordon na nakahanda rin ang kanilang mga kagamitan tulad ng amphibians, rescue boats, medical units, 6×6 trucks, payloaders, at water tankers sa pagtugon sa kalamidad.
Hinimok din ni Chairman Gordon ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na government-mandated pre-emptive evacuation protocols.