Limamput isang (51) milyong dolyar na foreign portfolio investment o kilala rin sa tawag na hot money ang pumasok sa bansa nitong Abril.
Kabaliktaran ito ng paglabas naman ng 460 million dollars nitong Marso, 409 million dollars noong Pebrero at 354 million dollars noong Mayo ng 2016.
Ayon sa BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas, pagpapakita ito ng mas tumitibay na kumpiyansa ng mga negosyante sa potensyal ng pag-unlad ng bansa.
Maaaring reaksyon rin umano ito ng mga investors sa pahayag ng World Bank na patuloy na mangunguna ang ekonomiya ng Pilipinas sa rehiyon ng Asya.
By Len Aguirre