Pumalo sa $274-M noong Pebrero ang “Hot money” ng Pilipinas o ang pondo na pumapasok at kinokontrol ng mga namumuhunan sa bansa.
Nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) net inflows para sa February 2022 Foreign Portfolio Investments ng bansa, na mas mataas pa sa naunang buwan kung saan, mas mataas ito ng $15-M.
Sa mga registered investments, 79.3% ang napunta sa securities na nakatala sa Philippine Stock Exchange.
Ayon sa BSP, ang mga ito ay partikular na inilagak sa banks, property, holding firms, food, beverage and tobacco at transportation services habang ang nalalabing 20.7% naman ay ipinuhunan sa Peso Government Securities.
Kabilang sa Top 5 investor countries ay ang United Kingdom; United States; Luxembourg, Europe; Singapore at Hong Kong, na bumubuo sa 75.7% ng mga transaksiyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero