Idinipensa ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang halos dalawang milyong Pisong hotel accommodations sa Boracay para sa ASEAN conference nuong 2015.
Tinawag na kasinungalingan ni Atty Josalee Deinla, spokesperson ni Sereno ang report na hindi dumaan sa bidding process ang pananatili ni Sereno ng tatlong gabi sa Shangrila Hotel sa Boracay Island.
Nanindigan si Deinla na ang nasabing hotel accommodation ay aprubado ng Supreme Court En Banc at ang mahalaga ay walang notice of disallowance mula sa Commission on Audit.
Sinasabing pinili ng Korte Suprema ang naturang hotel dahil maibibigay nito ang sapat na seguridad para sa sampung ASEAN judiciary leaders kasama si Sereno.