Nagsorry sa publiko ang hotel na pinaglagian ng babaeng nagpositibo sa COVID-19 matapos lumabag sa quarantine protocols sa Makati City.
Aminado ang naturang hotel na bigo silang ipatupad ang quarantine protocols matapos pumuslit si Gwenyth Chua na galing umano sa ibang bansa at dumiretso sa isang party sa nabanggit na lungsod kung saan, nahawahan nito ang labing lima sa kaniyang mga nakasalamuha.
Dahil dito, nangako ang pamunuan ng hotel, na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari. —sa panulat ni Angelica Doctolero