Nag-apply na bilang contact tracers ang mga hotel at restaurant workers sa boracay na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya.
Sinabi ni malaya na lubhang kailangan ngayon aniya ang mas maraming contact tracers sa Boracay lalo’t binuksan na muli ito sa turismo.
Kasunod nito, sinabi ni Malaya na sakaling kulangin ng mga contact tracers, may mga ipadadala pa silang mga aplikante sa Region 6 para tumulong.