Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang “staycations” sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Base sa rekomendasyon ng Department of Tourism (DOT), maaring nang mag-stay ang sinuman sa mga accredited accommodation enterprises ng DOT basta’t nasa loob lamang ng lugar kung saan sila naninirahan.
Nangangahulugan ito na ang mga nakatira sa National Capital Region ay pwedeng mag-staycation sa mga hotels o anumang mga kahalintulad na pasilidad na nasa bisinidad ng rehiyon, depende sa requirements ng kanilang mga lokal na pamahalaan.
Lilimitahan naman ang bilang ng mga guests na pahihintulutang mag-stay sa mga hotel.
Patuloy namang binubuo ng DOT ang iba pang mga guidelines para sa inaprubahang staycation.