Hindi na papayagang tumanggap ng mga bagong booking accommodations ang lahat ng mga hotels at katulad na mga etablisyimento sa panahon ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ito ay batay sa ipinalabas na operational guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa enhanced community quarantine.
Ayon kay IATF Spokeperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, tanging ang mga hotels lamang na may kasalukuyang naka-book na dayuhang bisita ang maaari pang mag-operate.
Gayundin ang mga hotel na mayroong umiiral na long term lease sa kanilang mga bisita at mga naka-book na mga empleyado ng mga industriyang exempted sa ipinatutupad na strict home-quarantine.
Dagdag ni Nograles, hindi na pahihintulan ang patuloy na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.