Nagsisimula nang magpatupad ng protocol ang mga hotel at resorts sa Cebu para maiwasan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Ayon sa ilang mga hotel owners, kailangan munang magpa-temperature check ang mga guests bago makapagcheck-in.
Oras na madetect na mayroong lagnat ay dadalhin ito sa nurse station kung saan muling titignan ang temperatura nito at ang kanyang travel history.
Nagtayo naman ng isolation area ang ibang mga resorts na pagdadalhan sa mga guests na may sakit.
Samantala, umaabot na sa 15% hanggang 20% ang booking cancellations ng mga hotels at resorts sa Cebu.