Nakatakdang maglabas ng panuntunan ang Department of Tourism (DOT) hinggil sa pagpapalawig ng operasyon ng mga hotels.
Ito ay makaraang payagan nang magbalik-operasyon ng full capacity ang mga hotels na nasa lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakadepende pa rin naman sa mga hotel administrators at sa kakayahan ng mga hotels na makasunod sa mga safety protocols ang kanilang pagbabalik-operasyon.
Samantala, magugunitang una nang ipinabatid ng DOT na kinakailangan munang kumuha ng certificate of authority ang mga hotel at iba pang establisyimento na may kinalaman sa turismo para makapag-operate sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ.