Gumagana na simula sa araw na ito ang emergency hotline 911 at complaint hotline na 8888.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, diretso mismo sa Pangulo ang mga tawag sa 8888 para sa mga sumbong sa krimen, katiwalian at iba pa.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa
Samantala, ang mga makakaranas ng emergency ay puwedeng tumawag sa 911 upang humingi ng tulong o ayuda.
Ayon kay PNP Chief Bato, sa ngayon ay ang mga pulis muna sa field ang puwedeng makaresponde agad sa mga emergency calls dahil hindi pa masyadong na-establish ang programa.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa
Sa unang mga oras pa lamang matapos ma activate ang 911 ay umabot agad sa 2475 ang natanggap na tawag ng PNP.
Gayunman, 75 lamang dito ang lehitimong emergency, mahigit sa 1,000 ang drop calls at 304 ang prank calls.
Binalaan ni dela Rosa ang mga nagsasagawa ng prank calls na sila ay aarestuhin ng mga pulis.
Sa ngayon ay may bayad pang P5.50 ang tawag sa 911 at 8888, subalit sinabi ni dela Rosa na gumagawa na ng paraan ang pamahalaan gawin itong libre sa hinaharap.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo Credit: pnp-pio