Pinutakte ng mga reklamo ang Hotline 1349 ng Department of Labor and Employment o DOLE simula nang ipatupad ang Executive Order 174.
Umabot na sa sampung libong (10,000) sumbong o reklamo ang tinanggap ng hotline sa nakalipas na buwan.
Kabilang sa tinugunang reklamo ng DOLE ay may kaugnayan sa Security of Tenure ng mga manggagawa, hindi naibibigay na 13th month pay at night differential.
Mahigit pitong libong (7,000) sumbong at nasa labindalawang libong (12,000) tanong na ang sinagot ng kagawaran.
Layunin ng paglulunsad ng hotline na ilapit sa taumbayan ang serbisyo at programa ng gobyerno.
By Drew Nacino |With Report from Aya Yupangco