Nagtatag na ang Philippine National Police at Philippine Coastguard ng “hotline” kung saan maaaring tumawag at mag reklamo ang mga lokal na mangingisda sa Zambales.
Ayon kay Lieutenant Colonel Isagani Nato, tagapagsalita ng Northern Luzon Command, layon ng nasabing “hotline” na makaresponde agad ang mga otoridad sa mga sumbong ng mga Filipinong nangingisda sa Scarborough Shoal.
Una nang napabalita na kinukuha umano ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang mga huling isda ng mga Pinoy sa nasabing karagatan.
Tiniyak naman ng PCG na ipararating nila sa mga kinauukulang ahensya ang mga matatanggap nilang hinaing mula sa mga mangingisda.
Maliban dito , nakahanda rin ang militar at PCG na magbigay ng seguridad sa mga mangingisda sa Zambales.