Wagi ang koponan ng Magnolia kontra Converge sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum, kagabi.
Pinangunahan ni Import Nick Rakocevic na tumipa ng 21 points at 24 big – rebounds ang panalo ng Hotshots, sa iskor na 109-105.
Naging katuwang naman ng hotshot import ang limang local players ng koponan makaraang makapagtala ang mga ito ng double digit scores.
Dahil dito, naitala ng Magnolia ang kanilang kartadang 2-wins 0-loss habang nakamit naman ni Converge Coach Aldin Ayo ang kanyang kauna-unahang pagkatalo sa PBA.