Nasungkit ng Magnolia Hotshots ang kanilang kauna-unahang championship sa Philippine Basketball Association (PBA) makaraang mag-kampyon sa 2018 Governor’s Cup.
Pinataob ng Hotshots ang Alaska Aces sa score na 102-86 sa game 6 ng kanilang best of seven series sa finals sa Ynares Center, Antipolo City, Rizal, kagabi.
Pinangunahan ang Magnolia ng import na si Romeo Travis sa pamamagitan ng double-doubles 32 points at 17 rebounds habang kapwa nag-ambag ng 16 points sina Paul Lee at Ian Sangalang.
Kumamada rin ng double-doubles 26 points at 24 rebounds ang import na si Mike Travis para sa Alaska.
Taong 2014 nang mag-kampyon ang Magnolia noo’y San Mig Coffee MIXERs sa Governor’s Cup matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters sa game five upang makumpleto ang grand slam sa ilalim ni Coach Tim Cone.