Hiniling ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Korte Suprema na ibasura na ang hirit na house arrest ni dating Pangulo ngayo’y kongresista Gloria Macapagal Arroyo.
Batay sa inihaing komento ng Ombusman sa High Tribunal, kapwa kasing may nakabinbing petisyon sa Korte Suprema at sa 1st Division ng Sandiganbayan ang hiling na ito ng dating pangulo.
Binigyang diin pa ng Ombudsman na labag sa Saligang Batas ang kahilingang ito ni Ginang Arroyo gayundin sa itinatadhana ng equal protection clause.
Maituturing na forum shopping ang hakbang ni Ginang Arroyo dahil bukod sa house arrest petition, may nakahain din itong no bail petition sa unang dibisyon ng Anti-Graft Court.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)