Inadopt na ng House of Representative ang resolusyong na nagsusulong na mailagay sa house arrest si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
Ang naturang resolusyon ay una nang inaprubahan ng Justice Committee sa pangunguna ni Iloilo Rep. Neil Tupaz.
Sinabi ni Tupaz na hindi naman ito compulsory sa Sandiganbayan.
Desisyon pa rin aniya ang korte ang mananaig sa magiging kapalaran ni Arroyo.
Kasalukuyang naka-hospital arrest si GMA sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa kinakaharap na kasong plunder.
By Rianne Briones