Pasado na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang panukalang naglalayong itaguyod at mapanatili ang Baybayin at iba pang katutubo at tradisyonal na sistema ng pagsulat ng bansa.
Sa ilalim ng House Bill 6069, ay inaatasan ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na isama ang mga naturang writing system sa curriculum program bilang Elective o Specialized Courses.
Itinalaga naman ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) upang bumuo ng mga patakaran at isulong ang tradisyunal na sistema ng pagsusulat. —sa panulat ni Hannah Oledan