Irerekomenda ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang mga opisyal ng BOC o Bureau of Customs at ilang pribadong indibidwal.
Ito ay may kaugnayan sa pagkakapuslit ng mahigit anim na bilyong Pisong halaga ng shabu papasok ng bansa.
Ayon kay Congressman Ace Barbers, ang Chairman ng House on Dangerous Drugs, kabilang sa kanilang irerekomendang sampahan ng paglabag sa Section 4 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act sina, Taguba, Dong, Richard Chen o richard Tan, middleman na si Manny Li, consignee ng nakalusot na kargamento na si Eirene Tatad at broker na Teejay Marcellana.
Irerekomenda rin aniya nila ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay Taguba dahil sa magkakaiba nitong pahayag at maging ang kasong direct bribery matapos namang aminin ang pagbibigay ng tara o lagay sa ilang mga opisyal ng BOC.
Gayundin ang pagsasampa ng reklamo laban kay outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng BOC dahil sa alegasyong pagtanggap ng tara.
Dagdag ni Barbers, nais rin nilang sampahan ng kaso si Customs Intelligence and Investigation Service Director Neil Estrella dahil sa mga paglabag nito sa kanilang isinagawang raid sa warehouse sa Valenzuela kung saan nakuha ang malaking halaga ng shabu.
By: Krista De Dios
SMW: RPE