Pinakakasuhan ng House Committee on Good Government si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Ayon kay Committee Chairman at Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, hindi pa naman sarado ang imbestigasyon ng kanyang kumite sa iligal na paggamit ng 66.4 Million Peso Tobacco Excise Tax Fund.
Gayunman, kinakitaan na ngayon pa lang ng maraming paglabag sa batas si Governor Marcos.
Kasong plunder ang irerekomenda na isampang kaso sa Gobernador dahil sa pagbili ng mahigit isandaang sasakyan gamit ang nasabing pondo ng lokal na pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Pimentel na ang paggamit ng pondo mula sa Tobacco Excise Tax ay dapat na limitado lamang sa cooperative development at imprastruktura para sa industriya lamang ng tabako pero hindi kasama ang pagbili ng mga sasakyan na hindi rin idinaan sa bidding.
—-