Sinimulan na sa Kamara ang deliberasyon ng House Bill 3252 na magtatatag sa Drug Price Regulatory Board bilang bahagi ng pagpapatupad ng Cheaper Medicines Law at mapanatiling abot kaya ng mga mahirap ang lahat ng gamot.
Layunin ng naturang panukala na amyendahan ang Republic Act 9502 o Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.
Ayon kay Iloilo 4th District Representative Ferjenel Biron, Chairman ng House Committee on Trade and Industry at principal author ng bill, wala naman silang kakayahan na tapatan ang pribadong interes kaya’t kailangang gamitin ang kapangyarihan ng gobyerno na protektahan ang mga mahirap.
Kung hindi anya manghihimasok ang pamahalaan ay magpapatuloy ang mataas na presyo ng mga gamot na pawang malalaking drugstore ang nakikinabang kaya’t ang tanging paraan upang makipag-kumpentensya ay sa pamamagitan ng isang regulatory board.
By Drew Nacino