Dinepensahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Justice Committee mula sa mga batikos hinggil sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Alvarez, dapat unti-untiin lamang ang imbestigasyon upang mabunyag ang katotohanan at mapatunayan ang mga alegasyon laban sa punong mahistrado.
Anim na beses ng nagsasagawa ng pagdinig ang kumite upang matukoy ang probable cause sa impeachment na inihain ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno.
Aminado naman si Alvarez na hindi niya nais maulit ang hindi patas na impeachment kay yumaong Chief Justice Renato Corona.
—-