Aminado naman si House Justice Committee Chairman at Mindoro Representative Reynaldo Umali na baka hindi maging sapat ang isang araw para sa kanilang pagtatanong.
Kaugnay ito sa nakatakdang pagharap ngayong araw ng ilang mahistrado at opisyal ng Korte Suprema sa impeachment deliberations laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Pero pagtitiyak ni Umali, kanilang irerespeto ang mga magiging pahayag nila Supreme Court Associate Justices Teresita Leonardo de Castro, Noel Tijam at Francis Jardeleza bilang co-equal branch nila sa pamahalaan.
Magugunitang maka-ilang ulit binanggit sa pagdinig ang pangalan ni De Castro na umano’y naglabas ng mga dokumento at impormasyon kaugnay sa umano’y girian sa pagitan ni Sereno at ng iba pang mahistrado dahil sa mga paglabag nito sa alituntunin ng High Tribunal.
—-