Nangangamba ang chairman ng House Committee on Information and Communications Technology kung magagampanan ng third telco player ang papel nito na makipagkompetensiya sa nangungunang giant network firms sa bansa.
Ayon kay Tarlac 2nd Dist. Rep. Victor Yap, kahanga-hanga ang pahayag ni Globe Telecom Inc. President and Chief Executive Officer (CEO) Ernes Cu na nakahanda ang pinamumunuan niyang kompanya sa pagpasok ng China-backed DITO Telecommunity Corp.
Kaya naman sinabi ng House panel chair na tinitingan niya kung magagawa ng consortium ni businessman Dennis Uy at ng China Telecommunications Corp. ang nasimulan ni business tycoon John Gokongwei Jr., ng Digitel Telecommunications Inc., na pagkakaroon ng mahigpit na kompitensiya, partikular sa pag-aalok ng dating Sun Cellular ng mababang service rates.
Will Dennis Uy ignite price war like Gokongwei? Ernest Cu says Globe is ready for ‘aggression’ from DITO. We’ll see how they play the game,” pahayag pa ni Yap.
(But) If there’s no true price war that happens, then, it’s what I feared a result of no real competition even with a third player,” dagdag pa ng Tarlac province lawmaker.
Pagbibigay-diin ni Yap, dapat matugunan ng DITO Telecom ang inaasam ng sambayanang Filipinp na pagkakaroon ng mobile communication at internet service provider na bukod sa mahusay ang serbisyo ay abot-kaya pa ang singil dahil kung hindi, walang katuturan ang pagkuha ng pamahalaan ng third telco player.
Hinggil naman sa pinupunang sobrang bagal na network rollout ng nasabing Filipino-Chinese telcom partnership, paalala ni Yap na kinakailangang mas maging agresibo ito at hindi na maatrasado pa ang pagsisimula ng kanilang operasyon.
They should be aggressive given the demand for good services. We hope that it is not the usual permits and permissions making delays,” sabi pa ng kongresista.