Inaprubahan ng House Suffrage at Electoral Reforms ang panukalang batas na nagpapahintulot sa mga senior citizens o mga edad 60 pataas at Persons with Disabilities (PWD) na bomoto nang mas maaga sa itinakdang araw ng halalan.
Kaugnay nito, papayagan ang mga nasabing indibidwal na bumoto sa loob ng pitong araw bago ang mismong eleksyon.
Sakop din ng naturang panukala ang pagpaparehistro ng mga senior citizen at PWD sa buong bansa na maging kwalipikado para sa maagang pagboto.
Makakatuwang dito ang mga lokal na pamahalaan, National Council on Disability Affairs, Commission on Human Rights (CHR), Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Commission on Electiopn (COMELEC) na ligtas para sa mga nasabing indibidal ang polling places at may sapat na paraan para sa komunikasyon tulad ng visual at physical aids alinsunod sa Republic Act no. 10366.
Samantala, inaatasan din ng panukala ang COMELEC na mag-organisa ng information campaign para sa maagang pagboto ng mga naturang indibidwal.