Pinalaya na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang tinaguriang Ilocos 6.
Mayo 29 pa nang makulong sa mababang kapulungan ng kongreso ang Ilocos six matapos ma-cite for contempt dahil sa pagtangging sumagot sa mga katanungan sa imbestigasyon.
Ipinagutos ng komite ang pagpapalaya sa kanila matapos nilang sagutin ang lahat ng mga katanungang ipinukol sa kanila kaugnay ng pagbili ng mga sasakyan gamit ang excise tax mula sa tabako ng Ilocos Norte.
Ang anim na provincial officials ng Ilocos Norte ay sina Pedro Agcaoili, Evangeline Tabulog, Josephine Calajate, Eden Battulayan, Genedine Jambaro at Encarnacion Gaor.
Governor Imee Marcos, ginisa sa pagharap sa imbestigasyon ng kamara sa isyu tobacco excise tax
Ginisa sa House Committee on Local Government si Ilocos Norte governor Imee Marcos kaugnay ng kanyang alegasyon na umikot ang suhol sa kamara upang matiyak na makukulong siya sa kongreso.
Sa isinagawang pagdinig ay pinilit ni Cong. Rodolfo Fariñas si Marcos na ibunyag kung sino ang pinagmulan ng impormasyon.
Gayunman, tumanggi si Marcos na ibunyag ang kanyang source at sa halip ay humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga mambabatas at iniurong ang kanyang akusasyon.
Nilinaw rin ni Marcos na hindi niya kinaladkad sa isyu ang pangalan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Una nang ibinunyag ni Marcos na isandaang milyong piso ang di umanoy ipinamudmod ng Liberal Party congressmen sa kamara para matiyak ang pagkulong kay Marcos sa kongreso tulad ng Ilocos six.
By Len Aguirre
House panel pinalaya na ang tinaguriang Ilocos 6 was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882