Tiniyak ni House Committee on Justice Chair Reynaldo Umali na magiging patas ang imbestigasyon nila hinggil sa paglaganap na iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) bukas, September 20.
Sinabi pa ni Umali na hindi niya poprotektahan si dating Justice Secretary ngayo’y Senador Leila de Lima na kapatiran niya sa Lambda Rho Sigma Sorority sa San Beda College of Law.
Patunay aniya nito ang hindi niya pag-inhibit sa imbestigasyon matapos na mai-refer sa kanyang komite ang resolusyon para imbestigahan ang usapin.
Nilinaw ni Umali na hindi naman nakasentro kay De Lima ang kanilang imbestigasyon kundi sa mismong illegal drug trade sa NBP at korupsyon dito.
Si Umali ay dating kaalyado ng dating Pangulong Noynoy Aquino subalit lumipat sa PDP Party ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali
By Judith Larino | Karambola