Ibinala ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagkakaroon ng people’s iniatiative para mabago ang konstitusyon para magbigay daan sa no-election scenario sa susunod na taon.
Una nang inanunsyo ni Alvarez ang kanyang panukalang ipagpaliban ang eleksyon para makatutok ang Kongreso sa pagsasabatas ng federal constitution.
Ayon kay Alvarez, posibleng kumilos ang mga sumusuporta sa pederalismo kung hindi makukumbinsi ang mga mambabatas na ibasura ang midterm elections.
Naniniwala si Alvarez na mangyayari ito dahil kanila nang inaral ang naturang alternatibong pagkilos.
—-