Nananatiling pangunahing security concern ang drug trafficking sa ASEAN community at ang rehiyon ang nagiging major shipment hub para sa iligal na droga ng transnational organized crime groups.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 13th meeting ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly Fact Finding Committee o AIFOCOM sa Pasay City, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi maaaring balewalain ang epekto ng droga sa komunidad lalo na sa pamilya partikular ang mga kabataan.
Bunsod nito, hinimok ni Alvarez ang mga mambabatas mula sa ASEAN member-countries na sumama sa anti-illegal drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bilang mga mambabatas, sinabi ni Alvarez na dapat nilang palakasin ang mekanismo para mahinto na ang produksyon, trafficking at pag-abuso sa iligal na droga sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Nararapat din aniyang palakasin ang pagtutulungan lalo na sa law enforcement at criminal justice system upang makamit ang drug- free ASEAN.
By: Meann Tanbio
House Speaker Alvarez hinimok ang mga mambabatas mula sa ASEAN member countries was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882