Iginagalang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatalihin sa pwesto si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Sinabi ni Alvarez na hindi naging interasado ang Pangulo noong iminungkahi niyang palitan ang hepe ng pambansang pulisya at sinabihan siyang itigil na ang nasabing usapin.
Sinabi, aniya, sa kanya ng Pangulo na, sa halip, pagtuunan na lang ng pansin ang pag-amyenda sa saligang batas.
Samantala, tiniyak naman ni Alvarez na nasa committee level na sa Kamara ang isinusulong na charter change.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc