Posibleng malagay sa alanganin ang pagiging House Speaker ni Congressman Panteleon Alvarez, at maging ang Pangulong Duterte, kung pupwersahin ang mga taga-supermajority na suportahan ang panukalang death penalty bill.
Inihayag ni Senador Panfilo Lacson ito makaraang bantaan ni Alvarez ang mga miyembro ng supermajority partikular ang mga nasa key positions na maari silang palitan oras na hindi bumoto pabor sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Ayon kay Lacson, karapatan ni Alvarez ang mamuno nang naaayon sa kanyang gusto ngunit maaring magkaroon ng negatibong epekto kung pipilitin ang nasa supermajority na suportahan ang naturang panukala lalo’t posibleng maraming taga-majority ang kontra rito.
By: Avee Devierte / Cely Bueno