Tatanggalan ng posisyon sa Kamara ang mga kongresistang mag-aabstain sa botohan, kokontra, o hindi dadalo sa ikatlo at huling pagbasa para sa death penalty bill.
Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ito kasunod ng napababalitang hindi boboto si dating Pangulo at ngayo’y deputy House Speaker Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Alvarez, kailangang lumahok ang lahat ng kongresista sa botohan mamayang gabi para sa pagpapabalik ng parusang kamatayan dahil mismong ang administrasyon ang nagsusulong sa nasabing panukalang batas.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc