Pinabubuwag ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ERC o Energy Regulatory Commission.
Sinabi ni Alvarez na dapat matuldukan na ang mga anomalyang nagtulak kay ERC Director Francisco Jose Villa para magpatiwakal.
Nakasaad sa House Bill 5020 ni Alvarez ang pagpapalit sa ERC ng BOE o Board of Energy na nasa ilalim ng Department of Energy at direktang kontrolado ng Pangulo ng bansa.
Ang BOE ay bubuuin ng Chairman at dalawang miyembro na itatalaga mismo ng Pangulo.
Bawal italaga sa BOE ang sinumang nasa petroleum o power industry.
By: Judith Larino