Pinag aaralan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagsasampa ng Impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo na una nitong iniugnay sa planong pagpapatalsik sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Alvarez pasok sa kategoryang betrayal of public trust ang dahilan nang posibleng paghahain nila ng reklamong impeachment laban kay Robredo.
Kasunod na rin ito aniya nang ipinadalang video ni Robredo sa United Nations na bumabatikos sa anti illegal drugs campaign ng gobyerno.
Sinabi ni Alvarez na kapag nakumpleto na niya ang pag aaral at mayruon nang rekomendasyon ang kanilang mga abogado ay itutuloy na niya ang paghahain ng impeachment complaint laban sa pangalawang Pangulo.
By: Judith Larino