Gumagana ang katarungan sa bansa.
Binigyang diin ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos papurihan ang pagpapa aresto ng Muntinlupa RTC kay Senador Leila De Lima.
Ayon naman kay House Justice Committee Chair Reynaldo Umali trabaho na ngayon ng government prosecutors na patunayan ang kaso sa korte o ang pagkakasangkot ni De Lima sa umanoy operasyon ng iligal na droga sa NBP o New Bilibid Prisons.
Naniniwala naman si Umali na kayang depensahan ni De Lima ang kaniyang sarili lalo nat malawak ang kaalaman nito sa batas bilang isang abogado.
By: Judith Larino / Cely Bueno