Karagdagang sampung bilyong piso ang hirit ni house speaker at dating pangulong Gloria Arroyo sa Bicameral Conference Committee na nakatutok sa deliberasyon ng proposed 2019 national budget.
Ang naturang halaga ay ilalaan sa Department of Health para sa improvement ng mga health facility at suweldo ng mga personnel tulad ng mga doktor at nurse.
Ito’y upang masolusyonan ang napaulat na mass layoff ng nasa 6,000 health personnel.
Ipinunto ng dating pangulo na kailangan ang karagdagang pondo bilang suporta sa ipinasang Universal Health Care Bill.
Una nang humiling si Health Secretary Francisco Duque III sa Kongreso ng karagdagang pondo upang makumpleto ang mahigit 1,000 health facilities sa buong bansa.