Plano ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magretiro na sa pulitika sa oras na magtapos ang kanyang termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ng kongresista sa gitna ng mga ispekulasyon na posibleng maluklok siya bilang prime minister sa oras na itatag ang sistemang pederal na isinusulong ng Duterte administration.
Ayon kay Arroyo, wala na siyang balak tumakbo para sa anumang posisyon sa 2019 midterm elections.
Kampante naman ang dating Pangulo na magiging maayos ang trabaho ng mga bagitong mambabatas sa oras na ipasa sa kanila ang liderato ng Kamara.
—-