Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na resulta ng maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng liderato ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang pagbagal ng inflation rate.
Kasunod ito ng naitalang 5.4% inflation rate nitong Hunyo mula sa 8.7% sa pagsisimula ng kasalukuyang taon.
Kumpyansa ang House Speaker na ito ay tanda na natatamo na ang layunin ng pambansang budget na mapalakas ang purchasing power ng mga Pilipino at naramdaman ito sa unang anim na buwan ng 2023.
Dagdag nito, nakatulong din ang mga hakbang ng kamara sa pagbaba ng inflation rate upang matukoy ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagkontrol sa suplay para tumaas ang presyo.