Ipinagtanggol ng IBP o Integrated Bar of the Philippines ang mga mahistrado ng Court of Appeals na pinagpapaliwanag ng Kamara kaugnay sa tinaguriang Ilocos 6.
Ayon kay IBP President Atty. Cherrie Grace Bareng – Asistin, dapat igalang at sundin ng Kamara ang kautusan ng Special 4th division ng Appellate Court na palayain ang mga nasabing opisyal alinusnod sa itinatadhana ng Saligang Batas hinggil sa separation of powers ng bawat sangay ng pamahalaan.
Binigyang diin pa ni Atty. Asistin na dapat maging tapag-tanggol ng rule of law ang lahat ng abugado kabilang na si House Speaker Pantaleon Alvarez na siyang nagpalabas ng show cause order sa mga mahistrado ng C.A.
Nag-ugat ang usapin nang suwayin ng Kamara ang utos ng Court of Appeals na palayain ang Ilocos 6 makaraang ipiit ang mga ito sa Batasan Complex dahil sa pagsisinungaling hinggil sa paggamit ng pondo ng Ilocos Norte Provincial Government mula sa Tobacco Excise Tax.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
House Speaker Pantaleon Alvarez dapat maging tagapagtanggol ng rule of law – IBP was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882