Linisin niyo muna ang inyong hanay bago niyo punahin ang administrasyon
Ito ang hamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP matapos bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na survey.
Ayon kay Alvarez naniniwala siyang posibleng dahilan ng pagbaba ng rating ng Pangulo ay dahil sa mga kritiko ng kampanya kontra droga at ang serye ng mga pagpatay sa ilalim ng kasalukyang administrasyon.
Una na rito aniya ang CBCP na hindi tumigil sa pagpuna sa kasalukyang administrasyon.
Nais rin aniya makita ni Alvarez ang detalye ng survey upang kahit papaano ay makatulong ibalik ang rating ng Pangulo at matugunan kung anong tunay na problema.
—-