Tumanggi nang mag komento si House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga naging patutsada sa kanya ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon kay Alvarez, ayaw na niyang magsalita sa usapin at hayaan na lamang ang presidential daughter na magsalita laban sa kanya .
Magugunitang nagkaroon ng iringan sina Alvarez at Mayor Duterte nang batikusin ng House Speaker ang alkalde sa pagtatatag nito ng bagong political party na HNP o Hugpong ng Pagbabago.