Muling ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang suporta sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buksan ang peace talks.
Aniya, patunay ang hakbang na ito sa commitment ng administrasyon na magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa na pundasyon sa pag-unlad ng bansa.
Dagdag pa ni Romualdez, hindi lang pakikipag-negosasyon ang ginagawa nila kundi pagtiyak na magkakaroon ng mapayapang kinabukasan ang bawat Pilipino.
Panawagan niya, suportahan at tanggapin ang oportunidad na ito nang may bukas na puso at isipan.
Inilabas ng House Speaker ang pahayag na ito matapos tawagin ni Vice President Sara Duterte na “agreement with the devil” ang muling pagbubukas ng peace talks kasama ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).