Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakuha nitong investment pledges mula sa kanyang three-leg trip sa Amerika.
Matatandaang nakilahok si Pangulong Marcos sa 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California kung saan nakakalap siya ng tinatayang $672.3 million worth of investment pledges.
Ayon kay Romualdez, naipapakita ng naturang investment pledges ang kumpiyansa ng international community sa pamumuno ni Pangulong Marcos.
Inaasahang magbubukas ang mga ito ng bagong oportunidad sa iba’t ibang sektor ng Pilipinas.
Samantala, nakabalik na ng Pilipinas si Pangulong Marcos nitong Lunes, November 20.